Wednesday, December 11, 2013

ILANG PAKSA PATUNGKOL SA ISYU NG SABAH


I. NAGING KAKULANGAN NG PILIPINAS SA SABAH




Marahil kung mayroon dapat sisihin sa pagkakapunta ng Sabah sa kamay ng Malaysia ito ay ang mabagal at malamyang "foreign policy" ng Pilipinas sa Sabah noong binubuo pa lamang ang Malayan Federation (1950's-1960's).

 Kilala ang Britania sa pagiging bihasa sa stratehiya ng kanyang foreign policy subalit hindi nakuhang sabayan ng mga namumuno ng Pilipinas ang utakang nangyari noon. Marami sanang realidad ang nagamit o na "exploit" ang Pilipinas , subalit naging mabagal ang bansa. 


Halimbawa:

1) Ang isa sa kinikilalang at nirerespetong  lider noon ng Sabah ay si Donald Stephens (Fuad Stephens) isang Kristiano, nagmumula sa ethnic group na "Kadazan". May agam agam si Stephens sa pagsama ng Sabah sa federasyon ng Malaya sa dahilang may takot siya sa dominasyon ng mga Malayo sa katulad nilang hindi muslim. Sa katunayan opsiyon sa kanya at sa ibang kasama sa liderato ang isang malayang o independent na Sabah wala sa kamay ng dominasyon ng Britania man o Kuala Lumpur. 


2) Isa rin sa kinikilalang lider ng Sabah noong panahon na iyun (subalit konrobersyal) ay si Tun Mustapha, may lahing Tausug at angkanan pa man din ng royal heirs ng Sultanato ng Sulu.


 Dalawang pangunahing lider ng Sabah ng panahong binubuo ang federasyon ng Malaysia. Tun Mustapha (kanan, nakasaludo)- Unang gobernador ng Sabah . Sa kaliwa niya ay si Donald Stephens, na siya naman ang naging ang unang chief minister ng Sabah sa federasyon ng Malaysia.

3) Ang gobyernong kolonyal ng Britania Malaya noon ay kasalukuyang bumabangon pa lamang sa giyerang tinawag nilang "Malayan Emergency", marami sa kanyang mga kakayahan at logistics ay nabuhos sa pag laban sa mga komunista ng Malaya.


4) Ang Sabah noon ay ibang iba sa Sabah ngayon. Marami ang hindi nakapag aral. Sa katunayan ito na rin ang dinaing ng mga nasa liderato ng Sabah...ang pagiging illiterate ng karamihan ng naninirahan dito.

5.) Sa kabilang banda, noong 1960's, mataas pa ang antas ng ekonomiya at ganun na din ang respetong dala dala ng Pilipinas sa rehiyon.

6) Si Tunku Abdul Rahman ang kilalang ama o "founder" ng Malaysia ay mayroon din pag aagam agam sa racial mixture ng kanyang bansa. Ang isang halimbawa ay ang isyu ng Singapore: Bagama't tinangap niya ang Singapore sa federasyon, ay alam naman niya ang kapangyarihan ng mga Chinese sa komersyo sa lugar. Alam niya din ang realidad ng racial mixture ng Sabah. Ito ang nakikita niyang magiging suliranin at kahinaan ng bagong bansa kapag tuluyan na itong  lisanin ng Britania.



Tunku Abdul Rahman- unang punong ministro ng Malaysia






"MERDEKA". Si Tunku Abdul Rahman sa proklamasyon ng kasarinlan ng Fedration of Malaya. Agosto 31, 1957



Walang naging kongkretong galaw ang Pilipinas upang makipag dialogo ng masinsinan sa mga importanteng tao sa liderato ng Sabah, ito din sana ang isa sa mahalagang susi sa Sabah.

Sa isang pag aaral na ginawa ng United Nations Assessment Team sa Sarawak at Sabah (1962-1963), lumabas na 2/3 ng populasyon ay pabor sa pag sama ng Sabah sa federasyon, ang mga sumalungat naman ay pabor sa independence. Tila nawalan ng saysay ang papel at karapatan ng Pilipinas at ng Sultanato ng Sulu sa Sabah.



II. ISANG DIUMANONG  DAHILAN KUNG BAKIT NAPAPAYAG SUMAMA SA MALAYSIAN FEDERATION ANG SABAH 1963


LEE KUAN YEW (kaliwa) ang kilalang founder ng Singapore kasama si Tunku Abdul Rahman (kanan) ama ng Malayasian Independence, matapos ang isang misyon sa London.


Hindi na lihim sa Malaysia at Singapore ang papel na ginampanan ni Lee Kuan Yew  sa paghikayat sa liderato ng Sabah upang sumama sa Malaysian Federation. Sa isang meeting hinikayat diumano ni Lee Kuan Yew si Tuan Fuad Donald Stephens upang sumama nga sa federsayon. Noong panahon iyon ay hindi kumbinsido ang liderato ng Sabah sa binubuong bagong federasyon na isasama ang North Borneo(Sabah at Sarawak). Sa katunayan ay mas malakas pa din ang panawagan sa Sabah ng "independence" kaysa sa federasyon. Kinausap ni Tunku Abdul Rahman si Lee Kuan Yew upang kausapin naman si Stephens. Ayon sa nasabing usapan sinabi ni Lee na pagkatapos ng panunungkulan ni Rahman bilang Prime Minister ay si Lee Kwan Yew ang papalit kay Rahman at si Stephens naman ay pinangakuan din na hihiranging Deputy Prime Minister. Ito ay labis na kinatuwa diumano ni Stephens at agad niyang sinulong ang pagsali ng Sabah sa Malaysian federation. 

Subalit noong 1965 napatalsik naman ang Singapore sa federasyon dahil na din sa racial riots at hindi pagkakasundo ng nakararaming Chinese laban sa minorya na Malay sa Singapore. Samantala kagulat gulat din ang patuloy na paghanga ng ilang mga Pilipino kay Lee Kuan Yew dahil sa kanyang mga ginawang pagbabago at pag unlad para sa Singapore. Subalit sa autobiography naman ni Dr. Mahatir Mohammad, tinawag niyang arogante at mayabang si Lee Kuan Yew bukod dito ay binangit din ni Mahatir ang pagiging "naive" ni Lee sa pagpaniwala na magiging Prime Minister nga siya ng Malaysia. Si Donald Stephens naman ay hindi na nagkaroon ng mataas na katungkulan sa federasyon (maliban sa naging cabinet member at Chief minister ng Sabah), nasawi si Stephens sa isang kahinahinalang plane crash noong 1976, sa kalagitnaan ng diskusyon at negosasyon tungkol sa oil revenue ng Sabah.




Ang hindi malilimutang eksena sa telebisyon sa Singapore ng gabing ideklara ng umiiyak na si Lee Kwan Yew ang pagpapatalsik o "expulsion" ng Singapore sa Malaysian Federation. Agosto 9, 1965


III. SA SULU NGA BA PINANGANAK SI TUN MUSTAPHA? - ANG UNANG GOBERNADOR NG SABAH SA ILALIM NG MALAYSIAN FEDERATION

Matagal din pinaghihinalaan at pinag uusapan na ang isa sa kinikilalang lider at tinatawag din na "father of Sabah's independece" ay diumano'y pinanganak sa Sulu..... isang Pilipino? Subalit mahigpit na pinabulaanan ni Tun Mustapha ang alegasyong ito sa pagsagot palagi ng: "kahit kailan man ay hindi"...wika nya. 

Tun Mustapha

Si Tun Mustapha ay isang Tausug/Suluk, katunayan nabibilang din siyang isa sa kamag anakan ng Sultan ng Sulu. Bagama't pumayag siyang sumama sa federsyon ng Malaya, ay nagpatuloy pa rin diumano ang pangarap niyang balang araw ay hihiwalay din ang Sabah sa federasyon at mag sasarili. Marami ang nagsasabi at namangha sa isang hangarin ni Tun Mustapha na bumuo ng isang bansa kasama ang Sabah, Sulu at ilang parte ng Mindanao. Ayon sa mga malalapit na tao kay Tun Mustapha, isa sa paunang programang pinairal niya upang maisakatuparan ang hangarin bumuo ng isang Muslim na bansa ay ang pagpapalayas ng mga dayuhang Kristiyanong pari at misionaryo sa Sabah.(na noong sa pag uumpisa ng federasyon ay may malaking bilang ng Kristiyanong-Kadazan). Nanghikayat din siya ng maraming Kristyanong Sabahan na mag convert sa Islam.

Noong 1960's ng umpisahang kumilos ng Pilipinas upang mabawi ang Sabah hanggang sa plano ng "Operation Merdeka" (Jabidah) isa si Mustapha sa na infiltrate ng mga Filipino iintelligence unit. Ang driver ni Tun Mustapha noon lingid sa kanyang kaalaman,  ay isang coronel ng scout ranger sa AFP. Sa pagsiklab ng giyera sa Mindanao, lubos na sinuportahan ni Tun Mustapha ang grupo ng narerebeldeng Muslim ng Mindanao, katunayan siya ang tinuturo ng grupo ni Marcos na no.1 supporter ng mga rebeldeng Muslim ng Mindanao sa Sabah. Ang sabah ang naging training area ng mga Muslim fighters at naging takbuhan din ng mga Piipinong umiiwas sa gulo sa Mindanao.

Madalas ipag magaling ni Tun Mustapha ang tinatawag niyang talento sa pagtugtog ng violin. Kadalasan nga ay ito ang uri ng entertainment na kanyang binibigay sa mga bisita niya. Subalit nakilala din siya at kanyang administrasyon (naging Chief Minister din sya ng Sabah mula 1967 hanggang 1975) sa pag abuso ng kapangyarihan. Mga alegasyong pagkakamkam ng kayaman sa abroad ang naging pangunahing pintas sa kanya hindi lamang ng maraming Malaysian, subalit ganun na din sa nakakaraming Sabahan.



IV."KONFRONTASI" (Indonesia versus Malaysia 1962-1966) 


Sukarno at Abdul Rahman


Ang "konfrontasi" ay salitang Malayo (Bahasa) na ang ibig sabihin sa Ingles ay "confrontation". Ang salita ay halos paglalarawan din sa nangyaring giyera, pagsasalungatan, at ng polisiya ng komfrontasyon ng bansang Indonesia sa Malaysia. Marahil masasabi din na ang karanasang ito ng Malaysia ay siyang nagdikta sa landas na tatahakin ng kanyang "foreign policy" sa SE Asia sa mga sumunod na taon at maaring hanggang ngayon.

Bago pa man idineklara ni Tunku Abdul Rahman ang kasarinlan ng Malaya ay may pag aagam agam na si Sukarno lider ng Indonesia sa tunay na papel na gagampanan ng Britania sa bagong bansa ibinuo, na kanyang dating kolonya at sa magiging relasyon nito sa kanyang mga kapitbansa. Subalit noong 1961 na mag umpisang umalingawngaw ang plano ng Britania na isama pa ang North Borneo (Sabah, Sarawak) at Singapore sa Federasyon na tatawagin na nga bagong pangalang MALAYSIA, ay unti unti din inilabas ni Presidente Sukarno ang oposisyon dito. Ito daw ang magiging daan upang mabuo muli ang bagong kolonyalismo ng Britania sa SE Asia at ang bubuuing federasyon ng Malaysia ay walang iba kundi instrumento lamang, puppet state, o di kaya tuta ng Britania. Kung malabo ang dahilan ng pag salungat ni Sukarno sa bubuuin bagong federasyon ng Malaysia, ay malinaw naman ang kadahilanan ng pagsalungat ng Pilipinas dito...ang dahilan: Sabah. Ang Pilipinas ay may historical claim dito dahil sa pag aari ito ng Sultanato ng Sulu.

Noong Julio 1963 sa isang summit sa Maynila, pinilit pag usapan at ayusin ng tatlong lider SE Asia-Sukarno, Rahman at Macapagal ang matinik na isyu ng kasasapitan ng Norh Borneo at ang katayuan ng SE Asia. Walang konkretong napagkasunduan maliban sa buuin ang isang konfederasyon o samahan mga bansang Malayo sa SE Asia tinawag nila itong MAPHILINDO. Napagkasunduan din ang na isangguni ang problema sa UN, gumawa ng pag aaral at referendum tungkol sa pulso ng mamamayan ng North Borneo.



Pirmahan ng kasunduan sa MAPHILINDO. Sukarno, Macapagal at  Abdul Rahman.  Manila July 1963


Subalit noong Septiembre 1963, (pina-ngunahan ang resulta ng referendum-nautakan ang Pilipinas) ginawang opisyal at inihayag na ang North Borneo, Sarawak at Singapore ay sumanib na sa federasyon ng Malaya.....at kikilalanin na nga sa bagong pangalang Malaysia.

Agad agad hinayag ni Sukarno ang kanyang banta na dudurugin nya ang Malaysia. Inumpisahan ito ng Indonesia sa pagtahak ng isang polsiya ng konfrontasyon o "Konfontasi" laban sa Malaysia.

Pinutol ng Indonesia ang kanyang relayson diplomatiko sa Malaya. Sinundan naman ito ng Pilipinas sa kadahilanang pino protesta nya ang pagkakasama ng Sabah sa bagong Federsayon. Sumiklab ang ilang labanang Indonesia vs Malaysia hindi lamang sa Borneo subalit pati din sa Singapore. Malaki naman tulong ang ibinuhos ng Britania sa kanyang dating kolonya upang hindi magawa ang banta ni Sukarno.

Noong 1965, dahil sa problema ng racial tesion at riot ng mga Malays contra Chinese sa teritoryo ng Singapore, napilitan patalsikin ang Singapore sa federasyon.

Noong 1966 kasabay ang unti unting pagbagsak ni Sukarno sa kapangyarihan natigil na din ang "KONFRONTASI". Subalit nadala ng Malaysia ang karanasan niya sa taon ng Konfrontasi. Naging mapagmatyag sa kinikilos ng mga kapitbansa. Ng mabunyag ang "Jabidah Massacre" at ang plano ni Marcos lusubin ang Sabah, pinilit paganahin ng Malaysia ang isang ahensyang marahil ay namana niya ang sistema sa Britania: ang "Intelligence"

Ng sumiklab ang digmaan sa Mindanao, karamihan ng armas ng mga Muslim fighters ay pinadaan, nagdaan at nanggaling sa isang lugar- Sabah, Malaysia.










Friday, November 29, 2013

ANG SUPREMO BILANG ALAGAD NG SINING


Ang tanging larawan ng Supremo


Si Andres Bonifacio ay hindi lamang isang organisador at mandirigma. Katulad ng mga kilalang pangalan sa kasaysayan, sa Pilipinas man o ibang lugar, nakita nya at nagamit ang halaga ng "Sining" sa pag gising ng diwa ng mga mamamayan. Gaano man kapayak, ang supremo ay naging aktor sa tanghalan ng "Moro-Moro" sa kanyang lugar sa Tondo. Kasama ang ilang kaibigan itinatag ni Bonifacio ang isang grupo tinawag nilang "Teatro Porvenir" (Teatro ng Kinabukasan o Theater of the Future). Ang hangarin ay pagbutihin ang kalaman sa Tagalog at pananagalog. Pinag ukulan din nya ng panahon alamin at busisiin ang mga alamat na humalo na sa kamalayan Pilipino tulad ng alamat ni Bernardo Carpio. "Teatro Porvenir" maari nanganahuhlugan din Teatro ng mga simpleng tao, ng mga pankaraniwang uri. Naalala ko tuloy ang isang halimbawa ng opera noong ika 18.siglo sa Europa, ang "Opera Buffa" at ang "Zarsuela" ng Espanya na lahat ay nag umpisa sa wika, hangarin at dikta ng mga pangkaraniwang tao, ang mga Sancho Panza ng lipunan.




Wednesday, July 10, 2013

Federico Espino Licsi (1939-2011)

        

                                                         CELIA
                                    

Pasa, pasa silenciosa, sin luciérnagas de piedra
Se llama Celia en el pueblo que sabe de su dolor,
El pueblo al borde del agua…
                             Y se viste de tristeza

Por su novio pescador que murióse en la borrasca:
El viento iracundo daba vuelta y más  vuelta. Llovía
En la mente y tremblaba el pueblo bajo el relámpago
Ranchas del frio habagat prestaban filo a la espuma
Y dentadura a las olas. Tormenta y tormento duros
Para una moza sencilla…

                           Vedla andar, de gracia plena,
Sin perfume, sin alhaja, siendo ella la misma alhaja..







Friday, June 14, 2013

Aguinaldo's Plan To Resurrect The Katipunan August 1900

                        




Emilio Aguinaldo (1869-1964)


The President On the Run

Perhaps the biggest tragedy in the short lived Malolos Republic was that some names  identified with it were either opportunist, fence sitters,  or worst,  turncoats. Not even the brilliant mind of Mabini could muster enough force to check that time the growing influence in the government of  such personalities as Pedro Paterno et al.

"Collaborators"... that was how Emilio Aguinaldo labeled Pedro Paterno when he found out that the latter was favoring an American take over of the Philippines.

Months after the outbreak of the Filipino-American War, Aguinaldo was on the run and planning to direct a guerilla warfare in the jungles of Luzon. The sad reality was, most of the prominent Filipinos who were once part of his government had simply abandoned him or went to the other side. Aguinaldo then turned to his former Prime Minister,  Mabini.  He conferred upon Mabini the power to negotiate with the Americans. But negotiations were futile,  the US would not recognize Aguinaldo and the independent Philippine republic.

August 15, 1900 Circular to Mariano Trias

On August 15 1900,  five days after designating Mabini as negotiator to the Americans, Aguinaldo then issued a circular to Mariano Trias asking the latter to reorganize the old Katipunan..

Historian Teodoro Agoncillo in explaining the circular  wrote: "It must have occurred to him that for his purposes the old  Katipunan, which he abolished in 1898, would lend a magic touch to his guerilla campaign. Moreover, the organization of the Katipunan was such that it could be adopted to such circumstances as he was now in"

Part of the circular goes:

 "It being absolutely necessary to reorganize the Katipunan for the defense of the country as well as to out an end to the gambling and other diversions with which our enemy attracts our brothers, causing them to commit immoral and even scandalous acts, making them forget duties sacred to the country and the family; the old Katipunan society constituting a powerful means to attract our brothers to the road of their duties, and in order to destroy completely these vices, which cause so much scandal to the country. I beg of you to send commissions to all your towns of your jurisdiction for the reorganization of said Katipunan society, taking care to appoint as commissioners  or delegates persons of well known honesty and energy, and strictly prohibiting gambling and other vices, severely punishing those who violate this order."


The Ghost of Bonifacio?

How do we explain the circular? I would stick with Teodoro Agoncillo.  The Katipunan was the "old organization" Aguinaldo wanted resurrect in order to bring the people to his side.(perhaps for a long guerilla war) . But then Aguinaldo could also be questioned that in doing so;  he is also resurrecting the ideals and the memories of the Supremo?

















Wednesday, May 15, 2013

Rizal and Unamuno. The October 1936 Incident at the Universidad de Salamanca.


Jose Rizal (1861-1896) & Miguel de Unamuno (1864-1936)


In his “Epílogo ” for Jose Rizal’s biography written by Wenceslao E. Retana, Spanish poet/philosopher Miguel de Unamuno mentioned about the possibility of him having seen Rizal, that their paths must have crossed each other many times in the Universidad Central de Madrid where both have been students. Unamuno wrote: 

“Rizal estudió Filosofía y Letras en Madrid por los mismos años en que estudiaba yo en la misma Facultad, aunque él estaba acabándola cuando yo la empezaba. Debí de haber visto más de una vez al tagalo en los vulgarísimos claustros de la Universidad Central, debí de haberme cruzado más de una vez con él mientras soñábamos Rizal en sus Filipinas y yo en mi Vasconia.”




October 1936 Incident at Universidad de Salamanca

On October 12 1936, in a gathering to celebrate "Dia de la Raza" inside the walls of the Universidad de Salamanca, Unamuno then rector of the said university, found himself in a heated debate against a formidable front of Spanish Falangists, supporters of Gen, Francisco Franco among them were former Spanish Army officer José Millán-Astray y Terreros, Falangist writer José María Pemán, included also was the wife of Francisco Franco. The confrontation started after a speech of the Falangist, praising Fascism as the only hope of Spain. To this Unamuno rose to his feet, gave an impassioned speech rebuking José Millán-Astray and his group. In the that speech he also mentioned Jose Rizal. 


According to one account of the incident; Unamuno prepared a speech for the gathering. But when he found out that this event will be graced by Falangistas and when speeches came praising the movement, Unamuno suddenly improvised and added the praise to Rizal. Gen. Jose Millan Astray suddenly interrupted him and shouted...."puedo hablar?..puedo hablar?..(can I speak,,can I speak..) it was interpreted as an insult to Millan Astray because he fought in the Philippines serving the Spanish forces during the 1896 revolution and one of the prominent victims of the Spanish military was Rizal; whom they sentenced with firing squad. But Jose Millan Astray could not interrupt Unamuno. When the general noticed that he could not get the attention of Unamuno , he then shouted this  words that became famous:   "¡Muera la intelectualidad traidora! (death to the traitorous intellectuality), probably a shout of threat against intellectuals, support us or else....  A prelude of how things will be for the intellegentsia in Francoist Spain?



The gathering was becoming unruly, Unamuno decided to leave and while heading outside the halls there were still shouts of insults and threat from the Falangist group. He had to be escorted out by people that includes Franco's wife. Ten days later Franco removed him as rector of the Universidad de Salamanca. Unamuno died the last day of that year, 31. December 1936.



Unamuno being escorted out of the halls of the Universidad de Salamanca. October 12 1936.





Francisco Franco with Jose Millan Astray









Thursday, February 7, 2013

"SIGLO DE ORO" in Manila's Streets and Plazas




 Lope de Vega (1562-1635)


In Rizal Avenue (Avenida area in Manila)  there is a street called LOPE DE VEGA named after the famous Spanish playwright of the Baroque period, Felix Lope de Vega y Carpio (1562-1635). Because we are separated now from the Spanish language, we hardly read or even know him, instead we read Shakespeare. Some of us gets only that chance to see or hear something about Lope de Vega, say if Instituto Cervantes, Manila would feature something about him. 

Looking at the street names and plazas of Manila you will also find Zurbaran, Cervantes and Calderon de la Barca, it does not only tells of our Spanish heritage but also Spanish history itself. Those names were representative of a period when Spanish arts and literature flourished . The period known in Spanish history as "SIGLO DE ORO" or the golden age.


Francisco de Zurbarán  (1598-1664) Probable self-portrait of Francisco Zurbarán as Saint Luke. Known mainly for his works with religious themes, Zurbarán represents a high point in Spanish Baroque art. If the name Zurbarán sounds familiar to Filipinos particularly in Metro Manila, it is because a street in Santa Cruz, Manila was named after him (now changed to Valeriano Fugoso Street), that's also the place many of us knows as Zurbaran, where a central market is located. Why do we change the names of our old streets?



"Agnus Dei" by celebrated Spanish painter Francisco de Zurbarán 



Pedro Calderón de la Barca (1600-1681)  Spanish playwright , another leading figure of the "Siglo de Oro" in Spanish literature. If Lope De Vega defined Spanish Baroque theater that time, De la Barca developed it. A plaza in Binondo used to be called "Plaza Calderon de la Barca", but now it carries the name  San Lorenzo Ruiz.





Miguel de Cervantes (1547-1616). The greatest Spanish playwright. His opus "Don  Quixote" is  a classic in world literature. He was a soldier in the "Battle of Lepanto", where he was wounded and lost the use of his left arm. Thus he was also knowns as "el manco de Lepanto". A  plaza also in Binondo, Manila  is named after him.










Saturday, February 2, 2013

Ang Plano Ni Quezon Na Isama Ang Pilipinas Sa British Commonwealth 1937

Larawan ni Manuel L Quezon at Anthony Eden


ISANG NAKA PLANONG MEETING NOONG PEBRERO 19. 1937 SA LONDON. Sa pagitan ng Presidente ng Philippine Commonwealth Manuel L. Quezon at British Foreign Minister Anthony Eden. Ang tatalakayin ay ang posibilidad na pagsama ng Pilipinas sa British Commonwealth. Napaka radical ng plano ni Quezon na umalis sa poder ng Amerikano at lumapit sa pangangalaga ng mga British. Ang dahilan ay nakikita nyang kakulangan ng Amerika sa paghahanda at pag aarmas laban sa lumalakas na banta ng bansang Hapon noong panahon na iyon. Sa totoo nito bagamat kolonya nga ng Amerika ang Pilipinas, wala naman ito sa prioridad ng Amerika upang ipagtangol ito ng lubusan. Sa katunayan ilan beses din kinausap ni Quezon si Dwight Eisenhower (ang dati noong naninilbihan sa ilalim ni Mc Arthur) tungkol sa kahandaan ng Pilipinas. At ang sagot na nakukuha nito kay Eisenhower ay nakabahala: Hindi handa ang Pilipinas!

Ng malaman ng Washington ang napipintong meeting nila Quezon at Eden, agad nilang na "censure" si Quezon. Hanggang sa nawala na ang balak at ang usapan sa takbo ng pangyayari. Ang Kasaysayan ang naghusga kung tama ang balak ni Quezon. Makalipas ang ilang taon, sumiklab ang digmaan sa Asia. Nakita nga ang kakulangan ng Amerika. Subalit hindi lamang Amerika, pati rin pala ang mga British at mga Holandes (Dutch) ay hindi handa. Noong 1942, ang Singapore, na kinikilalang "mighty fortress"ng British Empire sa Asia ang isa sa unang ciudad na bumagsak sa kamay ng mga Hapon.

Subalit hindi pa rin matutumbasan ang tunay na pagmamalasakit ni Quezon sa Pilipinas. Naka handang layasan ang poder ng Amerika masiguro lamang ang kaligtasan ng milyun milyun nyang kababayan.

Wednesday, January 9, 2013

Rizal's favorite- "THE COUNT OF MONTE CRISTO"

Alexander Dumas (1802-1870)

In his youth, Jose Rizal read and admired the novel "The Count of Monte-Cristo" by French 
author Alexander Dumas. Quite often people who read Rizal and this work of Dumas, relay the character of Edmond Dantes with that of Simoun (El Filibusterismo). The plot of revenge and the lonely figure of an avenging hero is too similar to be ignored. The difference came in the ending of the two novels. While Edmond Dantes found fulfillment in his life, Rizal gave a tragic end for Simoun (Ibarra). The ever present themes of 19th Century "Romanticism" are found not only in the works of Rizal but also even in the way he conducted his life. "Canto del Viajero" (poem of Rizal) reminds one of the many adventures of Edmond Dantes. Is there really an Edmond Dantes in Jose Rizal?


  

Spanish Edition-"El Conde de Monte-Cristo"  (circa 1860's-todocoleccion)


The young Rizal at the Ateneo Municipal. The time he read Dumas' well loved opus