Leyendas Pasigueñas -- "Ang Amerikano Sa Hagdang Bato"
Sa dulo ng ilog Pasig, sa paglapit sa boca ng Laguna de Bay, di kalayuan sa Napindan, makikita noon ang isang pook na tinawag na "Hagdang Bato". Nakilala ito sa ganitong tawag sa dahilan na ang malalaking bato sa pampang ng ilog ay nagsisilbing hagdanan ng mga taong umaahon sa nasabing ilog at ito din ginagawang daungan ng mga casco, pituya at maliliit na bangkang gamit sa pangingisda o panunuso. Sa paglapit sa hagdang bato mapapansin din ang isang lugar na punong puno ng kawayanan, mga punong kahoy at magagandang halaman. Kilala ito sa luntian nitong kulay, sa tahimik at maginhawang kapaligiran. Sa loob ng nasabing pook ay may isang payak na bahay kubo. Dito pumipisan ang sinasabing tagapangalaga ng mga puno at mga halaman ng hagdang bato-- Isang matandang babae na wala namang makapagsabi kung ano ang ngalan at saan nanggaling. Sinasabi rin tuwing umaga nakikita ang matanda sa hagdang bato naglilinis at tinatangal ang mga lumot sa mga baitang na sa gayun paraan ay mak...