Posts

Showing posts from December, 2019

"Pasig - Pantayanin" ni Julio Nakpil

Image
Julio Nakpil – Kompositor, rebolusyonaryo, mandirigma;  Sa kasalukuyang panahon tila mahirap pagsamahin ang mga katangiang  nabanggit sa katauhan ng  iisang tao.  Sa dahilang kadalasan ang ideya ng karamihan sa isang  musiko-kompositor  ay -- Isang indibidwal na habang ang paligid ay nagkakagulo o nagrerebolusyon,  nandoon lang siya at nakaupo lamang sa isang sulok,  nagkukutingting ng piano o ano mang instrumento.  Walang pakialam at kung meron mang opinyon,  sasarilihin na lamang. Ano pa at sa panahon ngayon ng K-Pop at ng Rap,   naitatanong ko din naman kung   mauunawaan pa kaya o di kaya’y makaka “relay” pa ang maraming Pilipino, lalong lalo na ang mga Pasigueno sa  personalidad na ating tinatalakay, sa kanyang komposisyong marcha na may pamagat na  "Pasig-Pantaynin" na  nakahibla na sa kasaysayan ng Katipunan sa Pasig?                Pasig 1839.   Tulay "Fr....