Posts

Showing posts from November, 2018

All Is Quiet In The Western Front

Image
"Im Westen Nichts Neues" ni Remarque Almusal- Nagkakape sa hardin. Sa bisperas ng ika-100 taong anibersaryo ng pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig. Nasumpungan ko muling basahin, mula pa kagabi, ang akda ng sundalong manunulat Aleman, Erich Maria Remarque (1898-1970). Ano pa't tila nagtatanong ang may akda: Kung ano ba talaga ang kanilang pinaglaban? Sa wari'y naghahayag din na kahit paano, sa panig ng Alemanya at kanyang kaalyado, mayroon din naman tumutuligsa sa kabaluktutan ng digmaan. Nakilala ang obra sa buong daigdig sa salin nitong Ingles, "All Is Quiet In The Western Front ". Isa sa mga librong sinunog ng mga Nazi sa pagluklok nila sa poder. ~ Lungsod ng Pasig