Posts

Showing posts from February, 2021

Vitula eligans sanctus -- Year of the Ox

Image
Minsan may isang antropologo ang nagtanong: Ano kaya ang kahihinatnan ng sangkatauhan kung hindi napaamo at nagamit sa mga gawain ng tao ang baka (ox, buey) at ang iba pang mga kalahi nito gaya ng kerbau - kalabaw o damulag? Ang relasyon ng tao sa hayop na nabanggit ay nahahayag din sa literatura maging sa relihiyon at katutubong paniniwala. Halimbawa, sa isang popular na taurine myth ng mga Griyego, sinasabing sa anyo ng makisig na puting toro nagpakita si Zeus sa magandang dilag na si Europa. Upang siya ay lansiin at tangayin-- Gaya ng pinapakita sa kwadrong pinta ni Tiziano, "The Rape of Europa". Sa mga Hindu naman, ang baka ang siyang nagsisilbing "vahana" o sasakyan ni Shiva. Ganun din si Lord Krishna, na may kasama din bakang si Kamadhenu. Ang baka sa paniniwalang Hindu ay simbolo ng buhay -- tulad ng inang kalikasan umaaruga sa mga nilalang. Ang kanyang gatas na sumasagisag sa mga unang pagkain ibinigay sa atin ng ating mga ina. Kaya nga ang baka ay may figu