Ika-128- Anibersaryo ng Pagbitay sa Supremo
Unang Mga Balita sa Masamang Sinapit ni Bonifacio Noong Mayo 10, 1897, binitay si Supremo Andrés Bonifacio ng sariling pamahalaang Pilipino na pinamumunuan ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Sa panahong iyon, hindi agad nalaman sa Maynila ang totoong sinapit ng Supremo. Gayunman, sa mga kumalat na balita, nabanggit na mayroong hidwaan sa pagitan ng panig ni Aguinaldo at ni Bonifacio. Narito ang isang ulat mula sa isang pahayagan sa Sevilla, Espanya, na may petsang ika-15 ng Mayo, 1897, na nagbabalita hinggil sa naturang pangyayari: "Ang nasabing katutubo ay isa sa mga huling empleyado ng kompanyang Fessell, ngunit inihalal ng mga kasapi ng Katipunan upang gampanan ang tungkulin bilang pangulo ng konseho. Ang iba pang mga ministro ay may kaparehong kalagayan at hindi rin higit ang taglay na katalinuhan, kaya’t maaaring ipagpalagay na ang tinatawag na pamahalaan ay isa lamang pantabing na ginagamit upang pagtakpan ang mga tunay na pinuno ng kilusang insurrekto. Si Andrés Bonifacio, na m...