Jose Corazon de Jesus- "Ang Manok Kong Bulik"
Remembering One Favorite Tagalog Poem Early 1900 Philippine postcard. the ever popular "Sabong" Ang Manok Kong Bulik ni Jose Corazon de Jesus Linggo ng umaga. Ang nayo'y tahimik, ang maraming dampa'y naro't nakapinid liban na sa ibong maagang umawit ay wala ka man lang marinig sa bukid... Di-kaginsaginsa'y aking naulinig ang pagtitilaok ng manok kong bulik, ako'y napabangon at aking naisip: Pintakasi ngayon! May sabong sa Pasig! Gadali pa halos ang taas ng Araw sa likod ng gintong bundok ng Silangan ay kinuha ko na sa kanyang kulungan ang manok kong bulik na sadyang panlaban... Kay-kisig na bulik! At aking hinusay bawa't balahibong nasira ang hanay, ang palong ay aking hinimas ng laway, binughan ng aso nang upang tumapang! Muling nagtilaok nang napakahaba at saka gumiri nang lalong magara, kumkukutok-kutok pa't kumahig sa lupa, napalatak ako nang hindi kawasa... Ang aking puhunang sampung piso yata'y ...