Federico Espino Licsi - (1939-2011)
Ang aking panayam sa : "Kumperensiya sa Araling Pasig" kung saan tinalakay ko ang buhay at mga akda ni Federico Espino Licsi. Ito ay ginanap sa Pasig City Museum. Ika-13 ng Disyembre 2025 Si Federico Espino Licsi at ang Panitikang Pasigueño sa Wikang Kastila Mayroon nga ba mga akdang pampanitikang Pasigueño na isinulat sa wikang Kastila? Isa ito sa mga tanong na hindi pa lubusang nasasagot at nananatiling hamon sa mga nagsasaliksik sa kultura at kasaysayan ng Pasig. Noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, may ilang Pasigueñong nagmula sa mga pamilyang kabilang sa principalia o nakatataas na uri sa lipunan na nakapag-aral sa mga paaralan at pamantasan sa Maynila, kabilang ang Ateneo Municipal at Unibersidad ng Santo Tomas. Dahil sa kanilang pinag-aralan at katayuan sa lipunan, maituturing silang kabilang sa uring ilustrado. Gayunman, hindi pa malinaw kung mayroon sa kanila ang nagsulat ng mga akdang pampanitikan sa wikang Kastila. Pagsapit ng kalagitnaan ng ika-20 siglo, isang ...