Ang Balak na Muling Paglusob ng Katipunan sa Pasig
Dokumento ng Katipunan - May Petsang 18 ng Disyembre 1896 Ayon sa nanaig na sanaysay sa mahabang panahon, matapos daw ang hindi matagumpay na paglusob sa San Juan, ang Supremo Andres Bonifacio kasama ang ilang kapanalig ay namundok o nagtago na lamang. Walang narinig, walang balita. Nitong mga nakaraang mga taon, sa paglabas ng mga bagong pag aaral, mga dokumento tungkol sa Katipunan na nasaliksik at nakuha sa "Archivo" ng Espanya, nabubuo ngayon ang kakaibang larawan ng Supremo. Imahe ng isang pinunong patuloy na nag organisa at patuloy na lumaban matapos ang mga pangyayari sa San Juan. Sa mga nasabi din bagong pag aaral, lalo pang tumibay at kuminang ang sanaysay patungkol sa papel na ginampanan ng sambayanang Pasigueno sa pag aaklas, lumitaw din ang malalim na ugnayan at relasyon sa pagitan ng Supremo Andres Bonifacio at ng Pasig. Ang hukbo ng Supremo na may bansag na "Mataas na Sanggunian ng Hilagaan" (Katipunan Northern Command) na kinabibilangan ng Mayni