Ang Militarismong Kastila na Bumitay Kay Jose Rizal
Ang Bilango ng Intramuros -- Bisperas ng Pasko Disyembre 1896 Ika-22 ng Disyembre 1896, ipinalabas ng opisina ng Gobernador General ang ulat na nag dedetalye patungkol sa aktibidades at nakaraan ng bilangong Jose Rizal. Ang ulat ay isinumite naman sa korteng naglilitis sa akusado. Sa nasabing ulat, kapansin-pansin na hindi lamang ang obrang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ang binangit bilang mga pangunahing panulat na ginamit ng nasasakdal upang libakin ang mga prayle at ang pangkalahatang estado ng gobyerno kolonyal ng Espanya sa Piipinas, maging ang kanyang anotasyon sa "Sucesos de las Islas Filipinas" ( ni Antonio Morga) ay sinasabing naghahayag ng mga prinsipyong laban sa simbahang katolika. Nag uudyok sa mamamayan upang mag aklas. Sa bisperas ng Pasko 1896, inilabas din ng Malacanang noon ang mga pangalan ng mga opisyales militar na aaktong bilang mga hukom sa salang sedisyon at rebelyon laban kay Rizal -- mga pangalang na nagmula sa ibat