Ang Militarismong Kastila na Bumitay Kay Jose Rizal

 Ang Bilango ng Intramuros -- Bisperas ng Pasko Disyembre 1896



Ika-22 ng Disyembre 1896, ipinalabas ng opisina ng Gobernador General ang ulat na nag dedetalye patungkol sa aktibidades at nakaraan ng bilangong Jose Rizal. Ang ulat ay isinumite naman sa korteng naglilitis sa akusado.

Sa nasabing ulat, kapansin-pansin na hindi lamang ang obrang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ang binangit bilang mga pangunahing panulat na ginamit ng nasasakdal upang libakin ang mga prayle at ang pangkalahatang estado ng gobyerno kolonyal ng Espanya sa Piipinas, maging ang kanyang anotasyon sa "Sucesos de las Islas Filipinas" ( ni Antonio Morga) ay sinasabing naghahayag ng mga prinsipyong laban sa simbahang katolika. Nag uudyok sa mamamayan upang mag aklas.





Sa bisperas ng Pasko 1896, inilabas din ng Malacanang noon ang mga pangalan ng mga opisyales militar na aaktong bilang mga hukom sa salang sedisyon at rebelyon laban kay Rizal -- mga pangalang na nagmula sa ibat ibang sangay ng pwersang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas.

Sa bisperas ng Pasko 1896, malinaw na marahil sa isip ng bilango ng Intramuros ang kanyang pagkakalagyan. At marahil din, sinusulat na n'ya sa kanyang isip ang mga huling mga kataga ng kanyang buhay.

Pitong Opisyales Militar at Gobernador Heneral

Ika 28 ng Disyembre 1896 -- Natanggap ng Malacañanang ang hatol na kamatayan na ibinaba at pinirmahan ng korte militar noong ika 26 ng Disyembre sa salang rebelyon, sedisyon atbp. laban kay Rizal. Sa pangalawang talata ng nasabi hatol nakasaad sa wikang kastila:

"En su virtud falla: que debe condenar y condena al referido Don José Rizal a la pena de muerte...."

Nakapirma sa hatol ang mga opisyales militar na nagbaba ng senytensyang kamatayan kay Rizal. Narito ang mga pangalan:

1.) JOSE TOGORÉS
2.) BRAULIO RODRIGUEZ NUÑEZ
3.) RICARDO MUÑOZ
4.) FERMIN PEREZ RODRIGUEZ
5.) MANUEL ROGUERA
6.) MANUEL DIAZ ESCRIBANO
7.) SANTIAGO IZQUIERDO.

Sa nasabing araw din ng ika 28 ng Disyembre 1896, pinagtibay at pinirmahan ng Gobernador Heneral CAMILO GARCIA DE POLAVIEJA ang hatol na kamatayan. Na ikakasatuparan sa Ika 30 ng Disyembre 1896. ika -7 ng umaga.

Kinabukasan naman , Ika 29 ng Disyembre 1896, binasa ng korte ang hatol na kamatayan sa nasasakdal. Pitong opisyales at ang Gobernador Heneral-- Mga pangunahing indibiduwal sa maraming mga pangalang nagsulong sa pagbitay kay Rizal.

Militarismong Kastila sa Panahon ng Pagbitay Kay Rizal.


Nasa larawan ang ilang heneral sa sandatahang lakas ng Espanya sa Ikatlong Giyerang Carlista. Ang nasa gitna at may dot na pula ay walang iba kundi si Camilo García de Polavieja, ang sinasabing pangunahing berdugo ni Rizal -- Naging Governador General ng Pilipinas at siyang pumirma sa death warrant ni Rizal. Nasa tabi niya naman, may azul na dot si Heneral José Marina Vega -- Lumaki at nag aral sa Pilipinas.
Sinasabing ang mga prayle ang may pakana ng pagdala kay Rizal sa patibulo, subalit nariyan din ang papel ng "bravura", "machisimo" at "camaradería" sa kultura ng sandatahang lakas ng Imperiong Kastila. Hindi dapat makalimutan na isang korteng militar din ang humatol kay Rizal-- Isang kangaroo court. Ang nasabi ding metalidad publura ang magdadala sa Espanya sa kagimbal gimbal na Guerra Civil .

Comments

Popular posts from this blog

Father Francisco de Paula Sanchez: Rizal's Batman

Jose Rizal's Bomb Plot

Pinagbuhatan Fiesta -- San Sebastián