Ika-128- Anibersaryo ng Pagbitay sa Supremo


Unang Mga Balita sa Masamang Sinapit ni Bonifacio
Noong Mayo 10, 1897, binitay si Supremo Andrés Bonifacio ng sariling pamahalaang Pilipino na pinamumunuan ni Pangulong Emilio Aguinaldo. Sa panahong iyon, hindi agad nalaman sa Maynila ang totoong sinapit ng Supremo. Gayunman, sa mga kumalat na balita, nabanggit na mayroong hidwaan sa pagitan ng panig ni Aguinaldo at ni Bonifacio. Narito ang isang ulat mula sa isang pahayagan sa Sevilla, Espanya, na may petsang ika-15 ng Mayo, 1897, na nagbabalita hinggil sa naturang pangyayari:
"Ang nasabing katutubo ay isa sa mga huling empleyado ng kompanyang Fessell, ngunit inihalal ng mga kasapi ng Katipunan upang gampanan ang tungkulin bilang pangulo ng konseho.
Ang iba pang mga ministro ay may kaparehong kalagayan at hindi rin higit ang taglay na katalinuhan, kaya’t maaaring ipagpalagay na ang tinatawag na pamahalaan ay isa lamang pantabing na ginagamit upang pagtakpan ang mga tunay na pinuno ng kilusang insurrekto.

May be an illustration of ‎1 person and ‎text that says '‎EDICION DE LA Andrés Bonifacio indigena, Fresset! vida a3 compañfa. katipunan las funciones menos igual do no alta into- ligenoia eran los comás Esto pretendido gobierno que para jefes dol movimiento insu- años Andrés Bonitacio tiene distinguido jamás por su valor. Desde heeho 8הנמ blen ha ha por marchó al campo insurrecto provecho para los stl- de estorbo ara anunciaba hace tres dias escisión caTpo rebeldo ontro ല llaman generalisimo Bonifacio, tener hasta ahora civil entre los insurrectos. Segun despachos, hiriő Hevándolo hacia las regiones dueño mando supremo, ejerce con mucha fortuna por cierto, segun palizas ue recibe ejército‎'‎‎

Si Andrés Bonifacio, na may 24 na taong gulang, ay kailanma’y hindi pa nakilala sa kanyang talino o tapang. Mula nang siya’y sumapi sa kampo ng mga insurrecto, kakaunti lamang ang kanyang naiambag at, sa halip, ay naging sagabal pa sa kanyang mga kasama.
Tatlong araw na ang nakararaan, ipinahayag sa telegrama na may sumiklab na hidwaan sa loob ng kampo sa pagitan ni Bonifacio at ng generalissimo na si Aguinaldo. Si Bonifacio, na noon ay tila may hawak ng pamumunong sibil ng mga insurrecto, ay umano’y nasugatan ni Aguinaldo at napilitang umatras sa mga bulubunduking bahagi ng isla. Naiwan si Aguinaldo bilang tagapamuno ng kataas-taasang pamahalaan—ngunit hindi rin niya matagumpay na naisakatuparan ang tungkuling ito, batay sa mga kabiguang sinapit ng hukbong Katipunan."
~~Makikita sa balita ang pagka baluktot at pagka "one sided" ng mga impormasyong hinahayag. Natural lang ito sa panahong nasabi. Limang araw pa lamang ang lumipas matapos ang pagkakabitay sa Supremo, lumabas ang balita na siya ay sugatan at nag tatago.
Sa pangalawa naman reportahe may petsang ika 17 ng Junio 1897, ng El Regional ay binabangit ang mga pangungusap na:
"Tiniyak na namatay na ang pinunong si Bonifacio, na tumatawag sa sarili bilang "Hari ng Pilipinas."
~~Samakatuwid, nalaman na rin pala sa Espanya ang bansag kay Supremo Andrés Bonifacio bilang "Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan." Maaaring nagmadali rin sila sa pagbibigay ng angkop na salin. Sa huli, masasabi na pagsapit ng Hunyo 1897, nabuo na sa mga ulat at impormasyong nakalap ng mga Kastila ang balitang patay na ang Supremo. Bagamat hindi ganap na malinaw, tila may hawak din silang balita na ang pagkamatay niya ay bunga ng hidwaan sa pagitan niya at ni Aguinaldo.
Pag ala-ala sa isang dakilang Pilipino, Andres Bonifacio!

May be an image of text
Pahayagang El Regional-Ika -17 ng Junio 1897

Comments

Popular posts from this blog

Father Francisco de Paula Sanchez: Rizal's Batman

Jose Rizal's Bomb Plot

Pinagbuhatan Fiesta -- San Sebastián