Ang Plano Ni Quezon Na Isama Ang Pilipinas Sa British Commonwealth 1937
Larawan ni Manuel L Quezon at Anthony Eden |
ISANG NAKAPLANONG MEETING NOONG PEBRERO 19. 1937 SA LONDON. Sa pagitan ng Presidente ng Philippine Commonwealth Manuel L. Quezon at British Foreign Minister Anthony Eden. Ang tatalakayin ay ang posibilidad na pagsama ng Pilipinas sa British Commonwealth. Napaka radical ng plano ni Quezon na umalis sa poder ng Amerikano at lumapit sa pangangalaga ng mga British. Ang dahilan ay nakikita niyang kakulangan ng Amerika sa paghahanda at pag aarmas laban sa lumalakas na banta ng bansang Hapon noong panahon na iyon. Sa totoo nito bagamat kolonya nga ng Amerika ang Pilipinas, wala naman ito sa prioridad ng Amerika upang ipagtangol ito ng lubusan. Sa katunayan ilan beses din kinausap ni Quezon si Dwight Eisenhower (Ang dati naninilbihan naninilbihan sa ilalim ni Macarthur) tungkol sa kahandaan ng Pilipinas. At ang sagot na nakukuha nito kay Eisenhower ay nababahala: Hindi handa ang Pilipinas!
Ng malaman ng Washington ang napipintong meeting nila Quezon at Eden, agad nilang na "censure" si Quezon. Hanggang sa nawala na ang balak at ang usapan sa takbo ng pangyayari. Ang Kasaysayan ang naghusga kung tama ang balak ni Quezon. Makalipas ang ilang taon, sumiklab ang digmaan sa Asia. Nakita nga ang kakulangan ng Amerika. Subalit hindi lamang Amerika, pati rin pala ang mga British at mga Holandes (Dutch) ay hindi handa. Noong 1942, ang Singapore, na kinikilalang "mighty fortress"ng British Empire sa Asia ang isa sa unang ciudad na bumagsak sa kamay ng mga Hapon.
Subalit hindi pa rin matutumbasan ang tunay na pagmamalasakit ni Quezon sa Pilipinas. Naka handang layasan ang poder ng Amerika masiguro lamang ang kaligtasan ng milyun milyong niyang kababayan.
Comments
Post a Comment