ANG SUPREMO BILANG ALAGAD NG SINING


Ang tanging larawan ng Supremo


Si Andres Bonifacio ay hindi lamang isang organisador at mandirigma. Katulad ng mga kilalang pangalan sa kasaysayan, sa Pilipinas man o ibang lugar, nakita nya at nagamit ang halaga ng "Sining" sa pag gising ng diwa ng mga mamamayan. Gaano man kapayak, ang supremo ay naging aktor sa tanghalan ng "Moro-Moro" sa kanyang lugar sa Tondo. Kasama ang ilang kaibigan itinatag ni Bonifacio ang isang grupo tinawag nilang "Teatro Porvenir" (Teatro ng Kinabukasan o Theater of the Future). 

Ang hangarin ay pagbutihin ang kaalaman sa Tagalog at pananagalog. Pinag ukulan din nya ng panahon alamin at busisiin ang mga alamat na humalo na sa kamalayan Pilipino tulad ng alamat ni Bernardo Carpio. "Teatro Porvenir" maaari nangangahulugan din Teatro ng mga simpleng tao, ng mga pangkaraniwang uri. Naalala ko tuloy ang isang halimbawa ng opera noong ika 18.siglo sa Europa, ang "Opera Buffa" at ang "Zarzuela" ng Espanya na lahat ay nag umpisa sa wika, hangarin at dikta ng mga pangkaraniwang tao, ang mga Sancho Panza ng lipunan.




Comments

Popular posts from this blog

Father Francisco de Paula Sanchez: Rizal's Batman

Jose Rizal's Bomb Plot

Pinagbuhatan Fiesta -- San Sebastián