ILANG PAKSA PATUNGKOL SA ISYU NG SABAH
I. NAGING KAKULANGAN NG PILIPINAS SA SABAH
Marahil kung mayroon dapat sisihin sa pagkakapunta ng Sabah sa kamay ng Malaysia ito ay ang mabagal at malamyang "foreign policy" ng Pilipinas sa Sabah noong binubuo pa lamang ang Malayan Federation (1950's-1960's).
Kilala ang Britania sa pagiging bihasa sa stratehiya ng kanyang foreign policy subalit hindi nakuhang sabayan ng mga namumuno ng Pilipinas ang utakang nangyari noon. Marami sanang realidad ang nagamit o na "exploit" ang Pilipinas , subalit naging mabagal ang bansa.
1) Ang isa sa kinikilalang at nirerespetong lider noon ng Sabah ay si Donald Stephens (Fuad Stephens) isang Kristiano, nagmumula sa ethnic group na "Kadazan". May agam agam si Stephens sa pagsama ng Sabah sa federasyon ng Malaya sa dahilang may takot siya sa dominasyon ng mga Malayo sa katulad nilang hindi muslim. Sa katunayan opsiyon sa kanya at sa ibang kasama sa liderato ang isang malayang o independent na Sabah wala sa kamay ng dominasyon ng Britania man o Kuala Lumpur.
2) Isa rin sa kinikilalang lider ng Sabah noong panahon na iyun (subalit kontrobersyal) ay si Tun Mustapha, may lahing Tausug at angkanan pa man din ng royal heirs ng Sultanato ng Sulu.
4) Ang Sabah noon ay ibang iba sa Sabah ngayon. Marami ang hindi nakapag aral. Sa katunayan ito na rin ang dinaing ng mga nasa liderato ng Sabah...ang pagiging illiterate ng karamihan ng naninirahan dito.
5.) Sa kabilang banda, noong 1960's, mataas pa ang antas ng ekonomiya at ganun na din ang respetong dala dala ng Pilipinas sa rehiyon.
6) Si Tunku Abdul Rahman ang kilalang ama o "founder" ng Malaysia ay mayroon din pag aagam agam sa racial mixture ng kanyang bansa. Ang isang halimbawa ay ang isyu ng Singapore: Bagama't tinangap niya ang Singapore sa federasyon, ay alam naman niya ang kapangyarihan ng mga Chinese sa komersyo sa lugar. Alam niya din ang realidad ng racial mixture ng Sabah. Ito ang nakikita niyang magiging suliranin at kahinaan ng bagong bansa kapag tuluyan na itong lisanin ng Britania.
Tunku Abdul Rahman- unang punong ministro ng Malaysia |
"MERDEKA". Si Tunku Abdul Rahman sa proklamasyon ng kasarinlan ng Fedration of Malaya. Agosto 31, 1957 |
Walang naging kongkretong galaw ang Pilipinas upang makipag dialogo ng masinsinan sa mga importanteng tao sa liderato ng Sabah, ito din sana ang isa sa mahalagang susi sa Sabah.
Sa isang pag aaral na ginawa ng United Nations Assessment Team sa Sarawak at Sabah (1962-1963), lumabas na 2/3 ng populasyon ay pabor sa pag sama ng Sabah sa federasyon, ang mga sumalungat naman ay pabor sa independence. Tila nawalan ng saysay ang papel at karapatan ng Pilipinas at ng Sultanato ng Sulu sa Sabah.
II. ISANG DIUMANONG DAHILAN KUNG BAKIT NAPAPAYAG SUMAMA SA MALAYSIAN FEDERATION ANG SABAH 1963
LEE KUAN YEW (kaliwa) ang kilalang founder ng Singapore kasama si Tunku Abdul Rahman (kanan) ama ng Malayasian Independence, matapos ang isang misyon sa London. |
Hindi na lihim sa Malaysia at Singapore ang papel na ginampanan ni Lee Kuan Yew sa paghikayat sa liderato ng Sabah upang sumama sa Malaysian Federation. Sa isang meeting hinikayat diumano ni Lee Kuan Yew si Tuan Fuad Donald Stephens upang sumama nga sa federsayon. Noong panahon iyon ay hindi kumbinsido ang liderato ng Sabah sa binubuong bagong federasyon na isasama ang North Borneo(Sabah at Sarawak). Sa katunayan ay mas malakas pa din ang panawagan sa Sabah ng "independence" kaysa sa federasyon. Kinausap ni Tunku Abdul Rahman si Lee Kuan Yew upang kausapin naman si Stephens. Ayon sa nasabing usapan sinabi ni Lee na pagkatapos ng panunungkulan ni Rahman bilang Prime Minister ay si Lee Kwan Yew ang papalit kay Rahman at si Stephens naman ay pinangakuan din na hihiranging Deputy Prime Minister. Ito ay labis na kinatuwa diumano ni Stephens at agad niyang sinulong ang pagsali ng Sabah sa Malaysian federation.
Subalit noong 1965 napatalsik naman ang Singapore sa federasyon dahil na din sa racial riots at hindi pagkakasundo ng nakararaming Chinese laban sa minorya na Malay sa Singapore.
Kagulat gulat din naman ang patuloy na paghanga ng ilang mga Pilipino kay Lee Kuan Yew dahil sa kanyang mga ginawang pagbabago at pag unlad para sa Singapore. Subalit sa autobiography naman ni Dr. Mahatir Mohammad, tinawag niyang arogante at mayabang si Lee Kuan Yew bukod dito ay binangit din ni Mahatir ang pagiging "naive" ni Lee sa pagpaniwala na magiging Prime Minister nga siya ng Malaysia. Si Donald Stephens naman ay hindi na nagkaroon ng mataas na katungkulan sa Federasyon (maliban sa naging cabinet member at Chief minister ng Sabah), nasawi si Stephens sa isang kahinahinalang plane crash noong 1976, sa kalagitnaan ng diskusyon at negosasyon tungkol sa oil revenue ng Sabah.
Si Tun Mustapha ay isang Tausug/Suluk, katunayan nabibilang din siyang isa sa kamag anakan ng Sultan ng Sulu. Bagama't pumayag siyang sumama sa federsyon ng Malaya, ay nagpatuloy pa rin diumano ang pangarap niyang balang araw ay hihiwalay din ang Sabah sa federasyon at mag sasarili. Marami ang nagsasabi at namangha sa isang hangarin ni Tun Mustapha na bumuo ng isang bansa kasama ang Sabah, Sulu at ilang parte ng Mindanao. Ayon sa mga malalapit na tao kay Tun Mustapha, isa sa paunang programang pinairal niya upang maisakatuparan ang hangarin bumuo ng isang Muslim na bansa ay ang pagpapalayas ng mga dayuhang Kristiyanong pari at misionaryo sa Sabah.(na noong sa pag uumpisa ng federasyon ay may malaking bilang ng Kristiyanong-Kadazan). Nanghikayat din siya ng maraming Kristyanong Sabahan na mag convert sa Islam.
Noong 1960's ng umpisahang kumilos ng Pilipinas upang mabawi ang Sabah hanggang sa plano ng "Operation Merdeka" (Jabidah) isa si Mustapha sa na infiltrate ng mga Filipino iintelligence unit. Ang driver ni Tun Mustapha noon lingid sa kanyang kaalaman, ay isang coronel ng scout ranger sa AFP. Sa pagsiklab ng giyera sa Mindanao, lubos na sinuportahan ni Tun Mustapha ang grupo ng narerebeldeng Muslim ng Mindanao, katunayan siya ang tinuturo ng grupo ni Marcos na no.1 supporter ng mga rebeldeng Muslim ng Mindanao sa Sabah. Ang sabah ang naging training area ng mga Muslim fighters at naging takbuhan din ng mga Piipinong umiiwas sa gulo sa Mindanao.
Madalas ipag magaling ni Tun Mustapha ang tinatawag niyang talento sa pagtugtog ng violin. Kadalasan nga ay ito ang uri ng entertainment na kanyang binibigay sa mga bisita niya. Subalit nakilala din siya at kanyang administrasyon (naging Chief Minister din sya ng Sabah mula 1967 hanggang 1975) sa pag abuso ng kapangyarihan. Mga alegasyong pagkakamkam ng kayaman sa abroad ang naging pangunahing pintas sa kanya hindi lamang ng maraming Malaysian, subalit ganun na din sa nakakaraming Sabahan.
IV."KONFRONTASI" (Indonesia versus Malaysia 1962-1966)
Ang "konfrontasi" ay salitang Malayo (Bahasa) na ang ibig sabihin sa Ingles ay "confrontation". Ito ay paglalarawan din sa nangyaring pagsasalungatan ng polisiya patungkol sa North Boeneo at Sabah ng bansang Indonesia sa Malaysia. Marahil masasabi din na ang karanasang ito ng Malaysia ay siyang nagdikta sa landas na tatahakin ng kanyang "foreign policy" sa SE Asia sa mga sumunod na taon at maaring hanggang ngayon.
Bago pa man idineklara ni Tunku Abdul Rahman ang kasarinlan ng Malaya ay may pag aagam agam na si Sukarno lider ng Indonesia sa tunay na papel na gagampanan ng Britania sa bagong bansa ibinuo, na kanyang dating kolonya at sa magiging relasyon nito sa kanyang mga kapitbansa. Subalit noong 1961 na mag umpisang umalingawngaw ang plano ng Britania na isama pa ang North Borneo (Sabah, Sarawak) at Singapore sa Federasyon na tatawagin na nga bagong pangalang MALAYSIA, ay unti unti din inilabas ni Presidente Sukarno ang oposisyon niya dito. Ito daw ang magiging daan upang mabuo muli ang bagong kolonyalismo ng Britania sa SE Asia at ang bubuuing federasyon ng Malaysia ay walang iba kundi instrumento lamang, puppet state, o di kaya tuta ng Britania. Kung malabo ang dahilan ng pag salungat ni Sukarno sa bubuuin bagong federasyon ng Malaysia, ay malinaw naman ang kadahilanan ng pagsalungat ng Pilipinas dito...ang dahilan: Sabah. Ang Pilipinas ay may historical claim dito dahil sa pag aari ito ng Sultanato ng Sulu.
Noong Julio 1963 sa isang summit sa Maynila, pinilit pag usapan at ayusin ng tatlong lider SE Asia-Sukarno, Rahman at Macapagal ang matinik na isyu ng kasasapitan ng Norh Borneo at ang katayuan ng SE Asia. Walang konkretong napagkasunduan maliban sa buuin ang isang konfederasyon o samahan mga bansang Malayo sa SE Asia tinawag nila itong MAPHILINDO. Napagkasunduan din ang na isangguni ang problema sa UN, gumawa ng pag aaral at referendum tungkol sa pulso ng mamamayan ng North Borneo.
Subalit noong Septiembre 1963, (pina-ngunahan ang resulta ng referendum-nautakan ang Pilipinas) ginawang opisyal at inihayag na ang North Borneo, Sarawak at Singapore ay sumanib na sa federasyon ng Malaya.....at kikilalanin na nga sa bagong pangalang Malaysia.
Agad agad hinayag ni Sukarno ang kanyang banta na dudurugin nya ang Malaysia. Inumpisahan ito ng Indonesia sa pagtahak ng isang polsiya ng konfrontasyon o "Konfontasi" laban sa Malaysia.
Pinutol ng Indonesia ang kanyang relayson diplomatiko sa Malaya. Sinundan naman ito ng Pilipinas sa kadahilanang pino protesta nya ang pagkakasama ng Sabah sa bagong Federsayon. Sumiklab ang ilang labanang Indonesia vs Malaysia hindi lamang sa Borneo subalit pati din sa Singapore. Malaki naman tulong ang ibinuhos ng Britania sa kanyang dating kolonya upang hindi magawa ang banta ni Sukarno.
Noong 1965, dahil sa problema ng racial tesion at riot ng mga Malays contra Chinese sa teritoryo ng Singapore, napilitan patalsikin ang Singapore sa federasyon.
Noong 1966 kasabay ang unti unting pagbagsak ni Sukarno sa kapangyarihan natigil na din ang "KONFRONTASI". Subalit nadala ng Malaysia ang karanasan niya sa taon ng Konfrontasi. Naging mapagmatyag sa kinikilos ng mga kapitbansa. Ng mabunyag ang "Jabidah Massacre" at ang plano ni Marcos lusubin ang Sabah, pinilit paganahin ng Malaysia ang isang ahensyang marahil ay namana niya ang sistema sa Britania: ang "Intelligence"
Nang sumiklab ang digmaan sa Mindanao noong 1970s, karamihan ng armas ng mga Muslim fighters ay pinadaan, nagdaan at nanggaling sa isang lugar- Sabah, Malaysia.
Ang hindi malilimutang eksena sa telebisyon sa Singapore ng gabing ideklara ng umiiyak na si Lee Kwan Yew ang pagpapatalsik o "expulsion" ng Singapore sa Malaysian Federation. Agosto 9, 1965 |
III. SA SULU NGA BA PINANGANAK SI TUN MUSTAPHA? - ANG UNANG GOBERNADOR NG SABAH SA ILALIM NG MALAYSIAN FEDERATION
Matagal din pinaghihinalaan at pinag uusapan na ang isa sa kinikilalang lider at tinatawag din na "father of Sabah's independece" ay diumano'y pinanganak sa Sulu..... isang Pilipino? Subalit mahigpit na pinabulaanan ni Tun Mustapha ang alegasyong ito sa pagsagot palagi ng: "kahit kailan man ay hindi"...wika nya.

Tun Mustapha |
Si Tun Mustapha ay isang Tausug/Suluk, katunayan nabibilang din siyang isa sa kamag anakan ng Sultan ng Sulu. Bagama't pumayag siyang sumama sa federsyon ng Malaya, ay nagpatuloy pa rin diumano ang pangarap niyang balang araw ay hihiwalay din ang Sabah sa federasyon at mag sasarili. Marami ang nagsasabi at namangha sa isang hangarin ni Tun Mustapha na bumuo ng isang bansa kasama ang Sabah, Sulu at ilang parte ng Mindanao. Ayon sa mga malalapit na tao kay Tun Mustapha, isa sa paunang programang pinairal niya upang maisakatuparan ang hangarin bumuo ng isang Muslim na bansa ay ang pagpapalayas ng mga dayuhang Kristiyanong pari at misionaryo sa Sabah.(na noong sa pag uumpisa ng federasyon ay may malaking bilang ng Kristiyanong-Kadazan). Nanghikayat din siya ng maraming Kristyanong Sabahan na mag convert sa Islam.
Noong 1960's ng umpisahang kumilos ng Pilipinas upang mabawi ang Sabah hanggang sa plano ng "Operation Merdeka" (Jabidah) isa si Mustapha sa na infiltrate ng mga Filipino iintelligence unit. Ang driver ni Tun Mustapha noon lingid sa kanyang kaalaman, ay isang coronel ng scout ranger sa AFP. Sa pagsiklab ng giyera sa Mindanao, lubos na sinuportahan ni Tun Mustapha ang grupo ng narerebeldeng Muslim ng Mindanao, katunayan siya ang tinuturo ng grupo ni Marcos na no.1 supporter ng mga rebeldeng Muslim ng Mindanao sa Sabah. Ang sabah ang naging training area ng mga Muslim fighters at naging takbuhan din ng mga Piipinong umiiwas sa gulo sa Mindanao.
Madalas ipag magaling ni Tun Mustapha ang tinatawag niyang talento sa pagtugtog ng violin. Kadalasan nga ay ito ang uri ng entertainment na kanyang binibigay sa mga bisita niya. Subalit nakilala din siya at kanyang administrasyon (naging Chief Minister din sya ng Sabah mula 1967 hanggang 1975) sa pag abuso ng kapangyarihan. Mga alegasyong pagkakamkam ng kayaman sa abroad ang naging pangunahing pintas sa kanya hindi lamang ng maraming Malaysian, subalit ganun na din sa nakakaraming Sabahan.
IV."KONFRONTASI" (Indonesia versus Malaysia 1962-1966)
Sukarno at Abdul Rahman |
Ang "konfrontasi" ay salitang Malayo (Bahasa) na ang ibig sabihin sa Ingles ay "confrontation". Ito ay paglalarawan din sa nangyaring pagsasalungatan ng polisiya patungkol sa North Boeneo at Sabah ng bansang Indonesia sa Malaysia. Marahil masasabi din na ang karanasang ito ng Malaysia ay siyang nagdikta sa landas na tatahakin ng kanyang "foreign policy" sa SE Asia sa mga sumunod na taon at maaring hanggang ngayon.
Bago pa man idineklara ni Tunku Abdul Rahman ang kasarinlan ng Malaya ay may pag aagam agam na si Sukarno lider ng Indonesia sa tunay na papel na gagampanan ng Britania sa bagong bansa ibinuo, na kanyang dating kolonya at sa magiging relasyon nito sa kanyang mga kapitbansa. Subalit noong 1961 na mag umpisang umalingawngaw ang plano ng Britania na isama pa ang North Borneo (Sabah, Sarawak) at Singapore sa Federasyon na tatawagin na nga bagong pangalang MALAYSIA, ay unti unti din inilabas ni Presidente Sukarno ang oposisyon niya dito. Ito daw ang magiging daan upang mabuo muli ang bagong kolonyalismo ng Britania sa SE Asia at ang bubuuing federasyon ng Malaysia ay walang iba kundi instrumento lamang, puppet state, o di kaya tuta ng Britania. Kung malabo ang dahilan ng pag salungat ni Sukarno sa bubuuin bagong federasyon ng Malaysia, ay malinaw naman ang kadahilanan ng pagsalungat ng Pilipinas dito...ang dahilan: Sabah. Ang Pilipinas ay may historical claim dito dahil sa pag aari ito ng Sultanato ng Sulu.
Noong Julio 1963 sa isang summit sa Maynila, pinilit pag usapan at ayusin ng tatlong lider SE Asia-Sukarno, Rahman at Macapagal ang matinik na isyu ng kasasapitan ng Norh Borneo at ang katayuan ng SE Asia. Walang konkretong napagkasunduan maliban sa buuin ang isang konfederasyon o samahan mga bansang Malayo sa SE Asia tinawag nila itong MAPHILINDO. Napagkasunduan din ang na isangguni ang problema sa UN, gumawa ng pag aaral at referendum tungkol sa pulso ng mamamayan ng North Borneo.
Pirmahan ng kasunduan sa MAPHILINDO. Sukarno, Macapagal at Abdul Rahman. Manila July 1963 |
Subalit noong Septiembre 1963, (pina-ngunahan ang resulta ng referendum-nautakan ang Pilipinas) ginawang opisyal at inihayag na ang North Borneo, Sarawak at Singapore ay sumanib na sa federasyon ng Malaya.....at kikilalanin na nga sa bagong pangalang Malaysia.
Agad agad hinayag ni Sukarno ang kanyang banta na dudurugin nya ang Malaysia. Inumpisahan ito ng Indonesia sa pagtahak ng isang polsiya ng konfrontasyon o "Konfontasi" laban sa Malaysia.
Pinutol ng Indonesia ang kanyang relayson diplomatiko sa Malaya. Sinundan naman ito ng Pilipinas sa kadahilanang pino protesta nya ang pagkakasama ng Sabah sa bagong Federsayon. Sumiklab ang ilang labanang Indonesia vs Malaysia hindi lamang sa Borneo subalit pati din sa Singapore. Malaki naman tulong ang ibinuhos ng Britania sa kanyang dating kolonya upang hindi magawa ang banta ni Sukarno.
Noong 1965, dahil sa problema ng racial tesion at riot ng mga Malays contra Chinese sa teritoryo ng Singapore, napilitan patalsikin ang Singapore sa federasyon.
Noong 1966 kasabay ang unti unting pagbagsak ni Sukarno sa kapangyarihan natigil na din ang "KONFRONTASI". Subalit nadala ng Malaysia ang karanasan niya sa taon ng Konfrontasi. Naging mapagmatyag sa kinikilos ng mga kapitbansa. Ng mabunyag ang "Jabidah Massacre" at ang plano ni Marcos lusubin ang Sabah, pinilit paganahin ng Malaysia ang isang ahensyang marahil ay namana niya ang sistema sa Britania: ang "Intelligence"
Nang sumiklab ang digmaan sa Mindanao noong 1970s, karamihan ng armas ng mga Muslim fighters ay pinadaan, nagdaan at nanggaling sa isang lugar- Sabah, Malaysia.
Comments
Post a Comment