"Eisernes Kreuz- Erste Klasse" Medalya ni Adolf Hitler.

Ang di umano'y larawan ni Hitler. nakasabit ang medalyang  "Eisernes Kreuz-Erste Klasse"


Iron Cross-first class, iyan ang klasipikasyon ng pangalawang iron cross na medalya ni Hitler noong Unang Digmaan Pandaigdig. "Loner" daw sabi ng mga kasama niya sa bunker. Masyadong seryoso sa conviction nya at pilosopiya (Weltanschauung) sa punto na may kakaiba na siyang dating. Close to saying-may katok sa ulo. Na promote sa pagiging kabo, mensahero siya runner o "Meldegänger" sa isang regimento, Ang gawain ay maghatid ng mensahe/ komunikasyon sa mga kalapit na regimiento. Sa isang labanan kung saan kinailangan ng matindi ang mga mensahero na halos naubos, pinatunayan diumano ni Hitler ang kanyang pakinabang,  kaya nga "Eisernes Kreuz - Erste Klasse" (Iron Cross First Class) ang katumbas na medalya.

 Marami pag aaral ang inilunsad upang alamin talaga ang tunay na Hitler noong WWI, alamin din ang totoo tungkol sa mga medalyang ito. Marami akusasyon na hindi totoo, may nagsabi na ang mytho na Hitler na bayani ay ginawa lamang noong siya ay kasalukuyan nangangampanya sa pulitika ng Alemanya noong 1930s. Subalit ayon sa marami "inconclusive" talaga. Sospecha, takot lang daw umamin ang iba na genuine ang medalya. Lalo na kung ang opisyal na nag rekomenda na gawaran siya ng medalya ay isang Judio. 

Sa Pilipinas may isang tao (patay na) na inaakusahan ng pamemeke ng kanyang war exploits. Fake medals at conclusive pa kamo ang findings ng mga nagsaliksik at mga historians. Pineke lang daw niya ang sinasabing war exploits at ang kanyang kabayanihan.


~ Lungsod ng Pasig  Septiembre 2016

Comments

Popular posts from this blog

Father Francisco de Paula Sanchez: Rizal's Batman

Jose Rizal's Bomb Plot

Pinagbuhatan Fiesta -- San Sebastián