Cesare Borgia (1476- 1507)



Ang sinasabing pangunahing inspirasyon ng manunulat Italyano Niccolo Machiavelli sa kanyang obrang "IL PRINCIPE" (The Prince). Ang duplisidad daw ng isang lider ay kinakailangan upang harapin ang mga hipokritong sistema sa lipunan at pulitika. Maging tulad ng leon at lobo (lion and fox) sa harap ng mga realidad sa umiiral na pakikipagtalastasan ng mga lider ng iba't ibang bayan. 

Ang Italya sa panahon ni Borgia ay isang malaking teritoryong kinapapalooban ng mga watak watak na "city-states" na kung saan ang isang lider ng isang siyudad na may yaman at anking talino sa diplomasya ang siyang kinikilalang may hawak ng tunay na kapangyarihan ng rehiyon . Maging isang leon na kinatatakutan at maging isang lobo din, tuso at matalinong kumilala na kondisyon, kaaway at kakampi sa kanyang kapaligiran

~ Lungsod ng Pasig Nobyembre 2016

Comments

Popular posts from this blog

Father Francisco de Paula Sanchez: Rizal's Batman

Jose Rizal's Bomb Plot

Pinagbuhatan Fiesta -- San Sebastián