Umbrella Academy ni Rizal.




Larawan ng ilan sa mga kilalang miyembro ng noo'y Berliner Anthropologische Gesellschaft (Berlin Anthropological Society). Kuha ito sa kanila taunang "Tagung" or excursion noong 1885. Napansin ko agad na marami sa kanila ay may dalang payong. Prominente sa larawan yung may no.5 sa ulo, hawak ang kanyang payong -- Siya ay walang iba kundi ang pamosong Aleman, siyentipiko at parliamentarian na si Dr. Rudolf Virchow, isang tunay na "Renaissance Man.
Sabi nga ehh, Virchow challenged both the authority of the State and Religion. Hinamon daw ito ng duelo mismo ni Otto von Bismarck, dahil napikon ang Bismarck sa batikos ni Virchow tungkol sa isyu ng militarisasyong na nangyayari noon sa sandatahang lakas ng Imperyong Aleman. Ang simbahan Katolika naman ay naging katungali ni Virchow sa isyu ng separation of church and state pati na rin ang kapangyarihan ng sektor ng pang relihiyon lalu na nga ang Katolisismo gamitin ang kanilang pulpito upang batikusin ang inaakala nitong mga kaaway ng simbahan at lipunan.
Ilan taon matapos ang nasabing "Tagung" , may isa namang patpatin Pinoy ang nakasalimuha at naging miembro pa ng society. Sa isang meeting ng nasabing society sinama naman ng Pinoy ang isang kababayang at kaibigang taga Bulacan. Si Virchow mismo ang nagsabi sa sa patpating Pinoy ng: " Gusto kitang suriin ethnographically". Sagot naman daw nasabing Pinoy; "Aba Ginoo, sa kadakilaan ng Agham, ako ay walang tutol dyan. Subalit maari ko po ipalit muna sa akin itong kasamang kababayan upang suriin nyo...ethnographically!"-- Well, marunong magsalita ng Aleman ang Pilipino, samantala ang kababayan ay hindi. Binenta nya ang walang alam na Bulakenyo. hehe.
Umbrella Academy? Hindi naman pero nilalagay ko lang ang sitwasyon noon sa panahon ngayon upang ilahad ang mahuhusay na mga siyentipikong kasama sa larawan.
Sino ba yung Pilipino? Walang iba kundi si Jose Rizal.
Sa isang meeting ng Berliner Anthropologische Gesellschaft noong 1897, binasa muna ang isang tula sinalin na sa wikang Aleman. Iyon ay ang tula ng pamamaalam, dahil ilan buwan lamang ang kalilipas lang noon, si Jose Rizal, ang Pilipinong miembro ng nasabing society ay binaril sa Luneta.
~Umbrella Academy ni Rizal.

Comments

Popular posts from this blog

Father Francisco de Paula Sanchez: Rizal's Batman

Jose Rizal's Bomb Plot

Pinagbuhatan Fiesta -- San Sebastián