Federico Espino Licsi - (1939-2011)
Paghahanap sa Makata at sa "Prosa Pasigueña en Lengua Española" Ang aking panayam sa : "Kumperensiya sa Araling Pasig" kung saan tinalakay ko ang buhay at mga akda ni Federico Espino Licsi. Ito ay ginanap sa Pasig City Museum. Ika-13 ng Disyembre 2025 Mayroon nga ba tayong mga panulat o anyo ng panitikang Pasigueña na nasulat sa wikang Kastila? Ito marahil ang isa sa mga tanong na nananatiling hindi pa ganap na malinaw at patuloy na hamon sa mga nag-aaral ng kultura at kasaysayan ng lungsod ng Pasig. Noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, may ilang Pasigueñong nagmula sa mga pamilyang kabilang sa principalia na nakapag-aral sa mga pamantasan sa Maynila—partikular sa Ateneo Municipal at sa Unibersidad ng Santo Tomas. Sa ganitong kalagayan, maituturing silang bahagi ng uri ng mga ilustrado sa lipunan. Gayunman, nananatiling palaisipan kung may ilan sa kanila ang tunay na luminya sa larangan ng panitikan at nagsulat ng mga akdang pampanitikan sa wikang Kastila. Pagsapit...